Make your own free website on Tripod.com
Webstyle produced NavBar
Arnel's Photo Contribution
Nobody came to Mr. Clavio's banquet so he went instead to our reunion. Si Arnel
yung matabang mama sa dulong kaliwa. Si Eva naman sa dulong kanan.

While everybody was feeling ticklish, Annie was busy talking to her
fax machine. Taga PLDT talaga. Remember that position of Yolly and Teresa.

The early birds get the cleanest table and the flowers. Bago lahat ang suot ni Elex noong
araw na iyon pati gupit. Grinning from ear to ear si Aning kasi on the way na rin ang misis niya.

Dito sa picture na ito si Ms. Norma Cruz ang pinakamasaya. Kasi marami sa klase natin ang
mas malaki pa sa kanya lalo na ang katabi niyang si Lily. Muntik ng hindi nakahabol si Emmie.

Ang babae na nasa puno ng poste. Si Marlen talagang seryoso basta kuhanan ng litrato.
Si Anding naman ang hinhin ng ngiti. Kanina pa ganyan ang posisyon ni Yolly at Teresa.

Ang mga feeling macho-nurin. Lahat sila magkumpare back-to-back.
Si Al hinihintay kung kailan ilalabas ang microphone para makakanta na.

Finally napansin din ang pa-cute ng dalawang boxer na ito. Kanina pa sila ganyan ang pwesto.
Pero ang babae sa puno ng poste nasa right background. Late na si Lily dumating
kasi nag pa-facial treatment pa para lang sa reunion kaya lang wala ring nangyari.

Feeling pogi talaga si Arnel dito. Si Susan naman feeling sexy.
Pero si Soc feeling macho kasi on the way ang misis niya that time.

There's Bal with friends from Section 2. Come to think of it, they're closer then and now than we will ever be.
Top of Page
Photo Contribution of Socrates the Greek
Sa picture na ito si Lily ang pinakatampok. Dapat lang naman kung hindi ay
masasayang ang tatlong oras niya sa parlor at makapal na skin-peeling. Take note
of Yolly and Teresa's sitting position. There's the Greek with his devilish grin. Bagay din
 pala si Anding at Eva, di ba? Holding hands pa yata ang mga iyan noon.

Lasing na yata si Chito dito kahit hindi pa umiinom. Bilad lang siya sa araw
kaya kulay pula. Ano kaya ang binibilot ni Amy sa kanyang mga daliri?

Amy and her lost angels. Si Al naman ay umaasa pa rin na mapapasahan ng microphone.
Si Anding lang ang pumunta ng reunion na medyo seryoso. Teresa was all smile
too to show her new dentures. Si Marlen naman iniinspeksyon ang mukha ni Lily.

The alma mater song in Pilipino!? Walang nakapaghanda sa kantang yon and everybody
was caught off-guard. Hindi ko lang matandaan kung bakit tayo nakatayo.

Small, medium at large and not in any particular order.  

Do the bellyache dance...or is it the LBM boogie?! Ito raw ngayon ang favorite pastime
nina Eva at ng mister niya. Sino mag-aakaala na hahantong sa ganito ang ilan sa atin?

This dance naman is called the santol-sa-kilikili-rumba. Ang D.I. pa ang nagbayad sa mga ito.
Mahirap talaga basahin ang picture na ito kung hindi ka naka-attend ng reunion. Ang
santol ni Lilly eh galing pa sa Sri Lanka.
Top of Page
Contribution of Tessie the Untouched
Hindi talaga takot sa camera si Lilly at si Elex. SI Anding naman talagang
talagang seryoso masyado noon.

Chito and the ageds... este the angels pala.

Mali ang sitting arrangement ng mga ito. Tingnan naman ninyo si Tess,
iba na yata ang iniisip niyan. SI Utak naman feeling cute pa rin.

Sino ang pinakamalaki sa larawan?

Ano kaya ang naamoy ni Sussie? Si Emmie ba o si Yolly ang umano.
Wala diyan si Pinnie kaya walang ibang suspek. Deadma naman ang dalawa.

 
Di ba apat sila dapat? Sino ang nawawala? Inseparable ang mga iyan noon.
Nagre-reduce ng waist lines ang mga iyan kaya konti lang ang tsibug nila.

Hulaan kung sinu-sino ang mga teachers na kasama nila. Huwag ninyong pansinin
masyado ang dalawang babae sa kanan. Me bandehado pa sa tiyan si Teresa.

 
There she is... our best friend Ms. Norma Cruz, a.k.a., Dra. Morala, Dean
of College of Arts and Sciences of BSU.

Emmie: O ano Tessie may natipuhan ka na ba? Tessie: Sus! Wala ako talagang mapusuan......