Make your own free website on Tripod.com
Other Tribal Gigs
Webstyle produced NavBar
Francesca's Treat July 03, 2005 in Tikay
Sila ang mga nauna sa marangyang piging na inihanda ni iska.Nanay ni Ces ang dalagang katabi ni Ade. Si Mareng Eva walang kupas talaga.

Tadah!!! Hayan si Ted dumating na rin... siya yung nakapulang t-shirt. Pero hindi naniwala ang mga tsiks.

Esmi ni Ted ang bangka sa kaliwa. All ears naman ang lahat ng nakatingin kasi hinahanap nila kung ano ang nakita ni Ted. Si BK naman eh inimbestigahan ng Nanay ni Iska kung siya daw ba yung escort ni Iska noong highschool. Yolly tulong!!! Hindi po ako Inang!!!!

Mantakin ninyo yang dami ng pagkain na iyan na inihanda ni Iska. Aba eh dapat malakas ang puso mo sa litson at kare-kare!!!

Seryoso talaga si Ted sa litson at di na napansin sina Eva at Ade. Hoy! Ted...tumingin ka naman sa kaliwa!!!

Ang apat na Maria nakumpleto rin sa wakas. Whoops!! Nakagat ni Eva yung dila niya. Feel na feel ni Ade yung sarsa ng litson.

More of Ted and his wife Vivian. All ears na naman si Lilly na gusto rin palang pumunta sa Merika. Si Vivian pala na asawa ni Ted ay nurse sa Merika.

Pinaplano nila ang mga Special Projects dito. Kinukuha ni Chang ang mga detalyes. Hunirit naman si Yolly na baka maabala si Ted sa paghanap ng soyta para sa kanilang mga dalaga. Si Chang ang kaporal at ito namang si Lilly ay tila interesado pa na magkaroon ng Kano.

Natawa lang si Ted ng malaman ang assignment niya. Pero tila gusto rin yatang pumorsyento. Ted donasyon mo na lang iyan sa mga dalaga natin. Hayun si Ces...still holding her breath.

Ted and the ladies. May assignment ngayon si Ted para sa Special Projects ng Bileyds. Suck it in Ted!

Iniisip ni Ted kung ano ang hugis ng Merkano na ibibigay niya kay Lilly. Hiindi naman daw siya mapili sabi ni Lilly. Si DJ, siempre naman, malapit siya sa host na si Ces dahil gusto niyang inggitin si Cojo na hindi na raw reigning escort ngayon. Tol, ang puso mo!!!!

Hindi nakayanan ni Ted ang katabi. Si BK naman kumukuha ng buwelo kung paano makakasingil.

Siempre kailangan natin silang bigyan ng world-famous TGRF mugs. Paano sila masisingil ni BK kung wala niyan.

After more than 30 years, Ted with wife Vivian, posed together with the Biledyers.
More  breath-taking pictures for this year. Many held their breath for the longest time to keep the tummies in.

The Biledys Giants with their American import, Ted Deppner playing power forward.

Another Memorable Night At TAPIKA
July 13, 2005
(The night Ted found his lost twin brother.)

Back and then front view. Walang kaibahan ang batok at noo.

Views from both ends of the table.

Our gracious hosts for the night, Ed and Elvie. Many thanks again!

Finally, after many years of separation the twin brothers met. Talk about heredity and environment!
Ano nakita ba ninyo ang pagkakahawig nila? Rafael Deppner and Ted Pingol.

 Mga Pahabol Na Larawan Galing Kay DJ Prexy
Kahit papaano eh may naka-table naman kaming chicks.

Mga bihirang pagkakataon na si Chang eh hindi nakatingin sa digicam.

Lahat masaya! Nakita ba ninyo si Pareng Elex? Ayun siya sa kanto katabi ni Ted.

Isa pang bihirang pagkakataon na hindi naka itm si DJ. Anak ni Ed yung kausap ni Chang.

O ano naniniwala na kayo na si Pareng Elex yang katabi ni Ted? Actually si Daniel yan, anak siya ni Ted pero duda siya kay Pareng Elex.

All smile si Chang kasi si Rafael hindi hindi malaman ang sasabihin nang singilin siya ni Ed.

Rubbing elbows with acoustic singer Paolo Santos. Daming hindi nakapagpigil. Ipamalita ninyo ang mga larwang ito.

Para naman di sabihing snob sila...pinanood na nila si Paolo sa kanyang ilang kanta. Pa-cute naman ang mga MD natin.

Sa tindi ng nainom ni Iska eh nakakakita na ng Superman sa gitna ng dilim.

 BK on a Mission At Ted's La Terrazo
July 16, 2005

Hindi maarring tumakas si Ted na walang sugat. Kaya naman kahit gabi na, kasama ni BK si Agent Al at ang dalawang female accomplishes na sina Meg at Mitz (anak ni BK...duda kasi si Sonia sa lakad nila ni Al) nilusob nila ang opening night ng La Terrazo. Ito ang resort na ipinatayo ng family ng wife ni Ted. It was a very warm and cozy place. The mission was a success.